Ika-26 na Linggo ng Taon K
Setyembre 29, 2013
MAY HANGGANAN AT HANTUNGAN ANG LAHAT
Lungkot, galit at gimbal na magkakahalo ang nanunuuot sa
ating kaisipan at damdamin sa mga araw na ito … Ito ay kung kasama tayo sa
nakababatid sa mga nagaganap … mga inosenteng taong pinapaslang, isang batang
pati kalamnan ay pinagkukuha … isang batang-batang executive na babae ang
napag-tripan ng mga kabataang naghahanap ng mabibiktima isang madaling araw …
isang halos buong pamilya at dalawang katulong at isang masahista ang
walang-awang pinagpapatay sa loob ng kanilang bahay … isang katotohanang
unti-unting lumiliwanag na halos ang buong gobyerno, mga mambabatas at mga
kagalang-galang ay sangkot sa isang malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ano ba ang magagawa ng tulad nating ordinaryong mamamayan sa
gitna ng lahat ng katiwaliang ito, liban sa magalit at malungkot na lamang?
Nagtitipon tayo tuwing Linggo upang maghanap ng kahulugan sa
buhay na tila wala nang katuturan. Naghahanap tayo ng mga kasagutan …
naghahanap tayo ng anumang puede nating gamiting gabay sa pang-araw-araw nating
buhay, upang sa gayon ay magkaroon ng patutunguhan ang masalimuot nating
pamumuhay sa isang daigdig na tila pinanawan na ng pag-asa.
Parang walang nagbago magmula sa panahon ni Amos sa lumang
tipan. Nagwika siya laban sa mga taong nagpapasasa sa yaman … mga taong
“namumuhay na maginhawa sa Sion.” Sa biglang wari, ito ay isang pasaring sa mga
mayayaman. Totoo bang ito nga ay pasaring sa mayayaman?
Tingnan natin sumandali ang kabuuan, kasama na rin ang
dalawang pagbasa sa Bagong Tipan …
Hindi kailanman sinabi ng Panginoon na ang pagiging mayaman
ay isang kasalanan. Sinabi lamang niya na mas madaling pumasok ang kamelyo sa
butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa langit.
Subalit mayroon siyang isang kagimbal-gimbal na kwento na
may mahalagang aral para sa atin. At ito ay hindi upang kamuhian ng mahirap ang
mayaman, kundi ang matuto ang mayaman man at mahirap na mayroong higit na
mahalaga kaysa sa pagpapasasa sa salapi at karangyaan.
May paalaala si Amos: “”Matitigil na ang inyong mga pagpipiging at pagsasaya.”
May hantungan ang lahat. May hangganan ang lahat. At lahat ng sine ay may
katapusan.
Sa buhay natin, madaling makalimutan ang higit na mahalaga.
Kung sa ating lipunan, ay handang kumitil ng buhay ang isang grupo ng kabataang
wala pang 20 taong gulang para lamang magkaroon ng kaunting pera, ay isa itong
tunay na kahindik-hindik na sitwasyon.
Kung halos lahat ng mga mambabatas ay tila nahirati na sa
isang maruming sistema ng kadayaan at pagsasamantala sa kaban ng walang malay
na ordinaryong tao, tunay ngang nararapat nating pag-usapan ang paalaala ni
Amos. Kung handang mandaya ang mga sumasali sa timpalak mula sa ibang bansa, at
pati retrato ng may retrato ay ipinapasa na para bagang kanyang sariling gawa,
makakita lamang ng pera, ay tunay na kalungkot-lungkot ang sitwasyon.
Hindi yaman ang pinupuntirya ng mga pagbasa ngayon. Hindi
masama ang maging mayaman. Pero kung ang yaman ay nagdudulot sa kawalan ng
pansin at malasakit sa iba, sa kapwa, lalu na sa mga walang kaya at mangmang,
ito ay isang tunay na krimen sa harapan ng Diyos at ng bayan ng Diyos.
Tingnan natin sandali ang sinabi ni Pablo kay Timoteo:
“sikapan mong mamuhay sa katuwiran, kabanalan, pananalig, pag-ibig, pagtitiis
at kaamuan.” May higit na mahalaga kaysa pera at yaman.
Tingnan natin rin ang kwento tungkol kay Dives at kay Lazaro
… Hindi masamang magdamit ng marangya ang mayaman at kumain ng masasarap na
pagkain. Pero hindi tama na ang lahat ng ito ay maghatid sa kanya sa kawalan ng
pansin, at tigas ng kalooban sa harap ng isang nanlilimahid sa kahirapan at
kakapusan sa lahat ng bagay na makamundo.
Malalim na ang narating ng kultura ng ating bayan na puede
nating sabihin: “pera-pera lang ang lahat.” Kung totoong para magawa ng mga
salarin ang malawakang krimen ay kinailangan nila ng tulong ng marami, dahil sa
“pera-pera” lamang ang lahat, may saysay ang sumbat ni Amos: “Matitigil na ang
inyong mga pagpipiging at pagsasaya.”
May wakas ang lahat ng bagay. May langit at may impyerno.
May hangganan at hantungan ang lahat …At kung may pagkakautang ay dapat may
kabayaran.
Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
ReplyDeletemayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.